Joey De Leon May Matinding Rebelasyon Tungkol Kina Alden At Maine Alamin
Si Joey De Leon ikakanta na sina Alden Richards at Maine Mendoza? Ano kaya ito? Naging usap-usapan recently sa social media ang diumano’y ibubunyag ni Henyo Master tungkol sa Kalyeserye loveteam. Itatapat daw ito sa mismong araw ng anibersayo ng Eat Bulaga ngayong Hulyo 30. Ang tanong ng karamihan, ano kaya ang ire-reveal niya? Isa-isang lumabas ang mga iba’t ibang kwento ng ilan on Twitter. May nagsabing ia-announce ni Sir Joey ang official na pagbabalik ng ALDUB loveteam kasama ang bagong proyektong pagsasamahan nilang muli. If totoo ito, for sure muling magbubunyi sa tuwa ang lahat ng ALDUB Nation. Ang sabi naman ng isang netizen, may ilalabas raw na bagong composition si Mr. De Leon. Ito ang nagawa niya habang nasa bahay lang dahil sa pandemic. Marami ang naghahanap sa kanya ngayon sa EB noontime show dahil hindi nila ito nakita mula nang bumalik ito sa ere. Hindi gaya ni Bossing Vic Sotto na kahit nasa bahay ay nakita pa rin ito live on the show araw-araw.