Katotohanan Sa Ginawang Pa-Throwback Ng Network May Plano Sa Tambalan Nila Alden At Maine
Muli na namang napaisip ang netizens sa ginawa recently ng GMA Network tungkol kina Alden Richards at Maine Mendoza.
Napatanong sila kung bakit pinayagan ng management ang muling pag-ere ng Kalyeserye: Ang Tamang Panahon at Daddy’s Gurl kung saan ay magkasama ang dalawa sa nasabing episode.
Tila may bagong plano na naman sila sa kanilang mga idolo, dagdag nila.
Kaya, mas lalo silang nagmamasid ngayon sa social media.
Dasal nila ay sana magiging positive ang epekto nito kina Tisoy at Menggay.
Hindi lamang panakip butas sa status ng network ngayon.
Nabalitaan kasi nila na mas lalong bumaba ang rating nito sa lahat nilang palabas.
Kaya ginawang pambawi sila Alden at Maine since alam ng mga big bosses na maraming fans ang humiling sa kanilang mag-throwback nalang sila sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.
Tama naman ang kapuso!
Muling pinatunayan ng ADN ang lakas nila at muling nagtrending recently ang longest noontime show nang muling ipinalabas ang pagtagpo nila Alden at Maine sa Philippine Arena.
Matatandaang umani ito ng 41 million tweets in one day sa Twitter noon at nagbigay ng history sa Philippine Television.
Kaya talagang hindi ito makakalimutan ng lahat lalo na ang AlDub Nation.
Sayang lang at hindi naalagaan ng mabuti sa halip ay binuwag pa ito ng management.
Sa kanilang ginawa recently, sana ay isa na itong sign sa pagbabalik tambalan nila Alden at Maine.
Ano ang masasabi mo kung ikaw ay fan ng ALDUB/MAICHARD?
Comments